Pulse Asia: 90% ng mga Pinoy ‘exposed’ sa pekeng ulat-politika

Pulse Asia: 90% ng mga Pinoy ‘exposed’ sa pekeng ulat-politika

October 11, 2022 @ 5:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos 90 porsyento ng mga Pilipino ang nakabasa o nakapanood ng  pekeng political news habang 86 porsyento ang naniniwala na isang problema ang fake news sa bansa, ayon sa Pulse Asia poll na ipinalabas nitong Martes.

Batay sa Pulse Asia survey, na isinagawa mula Setyembre 17 hanggang 21, 26 porsyento ng respondents ang nakabasa, nakarinig, o nakapanood ng pekeng ulat ukol sa pamahalaan at politika ilang beses sa loob ng isang linggo, 25 porsyento ang nakaranas ng ilang beses sa loob ng isang buwan, at 21 posyento naman ang nagsabing hindi bababa sa isang beses sa isang araw.

Samantala, ang mga nakabasa, nakarinig o nakapanood ng fake political news isang beses sa isang linggo ay umabot sa 17 porsyento habang 10 ng Filipino adults ang walang alam sa mga hindi totoong ulat ukol sa pamahalaan at politika.

Hindi naman bababa sa 58 porsyento ng respondents ang nagsabing ang social media influencers, bloggers, at/o vloggers ang nangungunang peddlers ng fake news ukol sa pamahalaan at politika, na sinundan ng journalists sa 4 0porsyent , at national level politicians sa 37 porsyento.

Ika-apat naman ang local politicians sa umano’y source ng pekeng impormasyon ukol sa pamahalaan at politika sa 30 porsyento, na sinundan ng civic leaders/NGO leaders sa 15%, businessmen sa 11 porsyento  at academics, professors o teachers sa 4 porsyento.

Ang natitirang 1 porsyento ay napunta sa mga kaibigan o kakilala, kapitbahay o ordinaryong mamamayan sa .3 porsyento at New People’s Army sa .1 porsyento.

Nasa 2 porsyento lamang naman ang mga hindi nakakaalam ng spurce ng pekeng impormasyon.

Tinukoy din ng respondents ang social media o ang internet (68%) o telebisyon (67%) bilang source ng fake news ukol sa pamahalaan at politika.

Hindi naman bababa sa 55 porsyento ng respondents ang naghayag ng kumpiyansa sa abilidad ng mga Pilipino na matukoy ang katotohanan ng political news habang 37 porsyento ang nagsabing hindi nila alam kung kayang matukoy ng ibang Pilipino ang pekeng balita, habang 7 porsyento ang hindi kumpiyansa sa abilidad ng iba na malaman ang katotohanan sa naririnig o napapanood nila.

Isinagawa nag Pulse Asia survey gamit ang face-to-face interviews batay sa sample na 1,200 respondents na 18 taon pataas.

Mayroon itong ± 2.8% error margin at  95% confidence level. RNT/SA