Pulse Asia nanindigang patas sa pre-election surveys

Pulse Asia nanindigang patas sa pre-election surveys

May 4, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Pulse Asia Research Inc. nitong Martes na “consistent” ito sa paglalabas sa publiko ng resulta ng kanilang regular quarterly at periodic pre-election surveys nang walang takot o pinapaboran.

Inihayag ng Pulse Asia na ito ay isang non-partisan, non-profit, non-stock organization of academics, at ang paglalabas ng survey results ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng organisasyon sa right to information ng publiko.

“We likewise hope that in releasing our survey results, we could elicit feedback from fellow academics, comments that are important in improving our work in taking the public’s pulse,” pahayag nito.

Tumugon din ang Pulse Asia sa social media post ng kilalang statistician na si Dr. Romulo Virola noong Lunes. Sa naturang post, sinabi ni Dr. Virola na mayroong “flaws” na dapat ayusin sa Pulse Asia survey.

Sa kanyang post, sinabi ni Virola na pwedeng manalo si Vice President presidential candidate Leni Robredo kung maaayos ang mga nasabing kamalian.

“We thank Dr. Virola for taking the time in analyzing data from our surveys. Nonetheless, it is important to correct his assertions as regards the flaws in our surveys,” ayon sa pollster.

“We respect all forms of feedback on our survey results, including fair academic comment on differing methodologies and interpretations of data,” dagdag nito.

Naiintindihan naman ng Pulse Asia na iba’t iba ang mga opinyon sa survey results subalit iginiit nito na hindi sila binayaran.

Ayon sa Pulse Asia, hindi rin sila sila magpapaapekto sa anumang uri ng panunuhol o intimidasyon.

“Those who make these unfair and unjust criticisms bear the responsibility for their baseless accusations feeding into the spiral of disinformation and malinformation that afflicts our society. These false accusations only further deepen polarization and distrust and contribute to the continuous erosion of an already extremely feeble democratic order,” paliwanag ng pollster. RNT/SA