Pumanaw na ex-Trade Minister Roberto Ongpin, pinuri ng Kamara

Pumanaw na ex-Trade Minister Roberto Ongpin, pinuri ng Kamara

February 15, 2023 @ 5:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang House Resolution ang ipinasa ng Kamara na kumikilala sa kagalingan ng pumanaw na si dating Trade Minister Roberto Ongpin.

Sa House No.766 ay nagbigay-pugay ang Kamara sa naging malaking kontribusyon ni Ongpin sa bansa.

Si Ongpin ay pumanaw noong Pebrero 4 sa edad na 86 anyos, na matatandaang pinakabatang naging trade and industry minister noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“The late trade minister made many contributions to the development of the country and defended the Philippine currency in the wake of the 1983 financial crisis by establishing the so-called Binondo Central Bank, a parallel exchange rate system that allowed the government to narrow the rate gap by directly intervening in black market currency prices,ā€ nakasaad sa resolusyon.

“After leaving government, Ongpin proved his mettle in the private sector by serving as board chairman/director of various corporations, including mining firm Atok Big Wedge, luxury resort Balesin Island Club, conglomerate San Miguel Corp., oil refiner-distributor Petron, PAL Holdings, and gaming-internet company PhilWeb,” ayon pa sa resolusyon.

Bukod sa kagalingan ni Ongpin sa business leadership at management ay isa din itong pilantropo na nagbigay ng full scholarships sa mga kuwalipadong estudyante.

Naulila ni Ongpin ang asawa na si Monica Arellano, mga anak na sina Stephen, Anna, Michelle, and Julian at apat na apo.

Ang resolusyon ng Kamara na nagbibigay pagkilala kay Ongpin ay inakda nina House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Mannix Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. Gail Mendoza