Puna ng EU sa mga mali sa PH seafarers’ training, ‘wag isnabin

Puna ng EU sa mga mali sa PH seafarers’ training, ‘wag isnabin

February 18, 2022 @ 11:23 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Dapat na seryosohin ng Pilipinas ang naging negatibong assessment ng European Union ukol sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) ng bansa.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni National Maritime Polytechnic (NMP) executive director Joel Maglunsod na dapat makasunod ang bansa sa mga nasabing standards, bilang ito ay signatory sa international convention.

Matatandaang inabisuhan kamakailan ng European Commission ang Pilipinas tungkol sa mga deficiency nito sa edukasyon, pagsasanay at sistema ng sertipikasyon ng mga marino.

“Unang-una, ang Pilipinas, being a signatory of the convention of the STCW, is under obligation to comply sa ganitong standards. Hindi talaga puwedeng balewalain natin ito,” saad ni Maglunsod.

“When it comes to maritime education, it’s under the authority of the Commission on Higher Education. Sila ang nag-i-issue ng mga permits for a particular school to operate,” dagdag niya.

Noong Pebrero 4, una nang hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Maritime Industry Authority (MARINA) na agad na sumunod sa global safety training requirements.

Kung bigong makatugon hanggang sa itinakdang deadline ng European bloc sa March 10, 2022, hindi na makakapagtrabaho ang mga Filipino seafarer sa barko ng EU.

“We strongly urge MARINA to comply. The livelihoods of thousands of our seafarers are at stake,” panawagan ng DFA. RNT