Punong barangay patay; anak sugatan sa 3 NPA

Punong barangay patay; anak sugatan sa 3 NPA

October 8, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


NORTHERN SAMAR – Patay ang isang punong barangay habang sugatan ang anak matapos pagbabarilin ng tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), Biyernes sa bayan ng Pambujan.

Kinilala ang namatay na si Yolando Gluton Jarito Sr., 58 anyos, Punong Barangay ng Brgy. Diit de Turag, ng nasabing bayan.

Ginagamot naman sa ospital ang anak nitong si Yolando Notarte Jarito Jr., 27-anyos, at residente sa nasabing lugar

Batay sa report ng Pambujan Municipal Police Station, alas-3:40 ng hapon naganap ang krimen sa harap ng bahay ng biktima sa Barangay Cababtuan.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na positibong kinilala ng anak na si Pedrin Julbetado, Emar Orpeza, at Saldy Bantillo pawang mga kasapi ng NPA.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng biglang sumulpot ang tatlong armadong suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Narinig naman ng anak ng biktima ang mga putok ng baril kaya mabilis itong lumabas ng bahay ang positibong nakilala ang mga suspek.

Bago tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo ay binaril din ang batang Jarito na tinamaan sa paa at agad naman dinala sa ospital.

Nahaharap ngayon sa kasong murder at frustrated murder.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico