Punong barangay sa Cagayan todas sa riding-in-tandem

Punong barangay sa Cagayan todas sa riding-in-tandem

May 25, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


TUAO, CAGAYAN- Patay ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bicok, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Dante Blanza, 61-anyos, may asawa at Barangay Captain ng Sto, Tomas, Tuao, Cagayan.

Una rito, ang biktima kasama ang kanyang back ride na si Eduardo Montorio, 61-anyos, may asawa, Barangay Kagawad ng nasabing lugar ay nagtungo sa opisina ng Department of Agriculture sa Tuao West, Cagayan sakay ng kanilang motorsiklo.

Habang binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Barangay Bicok ng nasabing bayan ay may nakabuntot na dalawang lalake na nakasakay sa isang Honda XRM na motorsiklo nang bigla na lamang nag-overtake ang nasabing motorsiklo saka pinaputukan ang biktima na tumama sa kanyang dibdib sa hindi pa malamang kalibre ng baril.

Maswerteng wala namang tama sa kanyang kaangkas na si Montorio.

Agad na dinala ng mga rumespondeng kasapi ng Tuao Police Station ang biktima sa Saint Paul Hospital ngunit idineklarang Dead on Arrival ng attending physician.

Patuloy na nagsasagawa ng malawakang dragnet operation ang mga kapulisan para sa posibleng pagkakadakip ng mga riding-in-tandem criminal. Rey Velasco