PUNONG PUNO NG PAG-ASA SA ARBOR DAY

PUNONG PUNO NG PAG-ASA SA ARBOR DAY

June 27, 2022 @ 8:31 PM 1 month ago


Noong Hunyo 24, 2022, nagsagawa ng sabay-sabay na pagtatanim ng puno sa loob ng Metro Manila at sa iba’t ibang lokasyon ng probinsya na pinaglilingkuran ng mga business unit ng Manila Water.

Taong-taon isinusulong ang pangangalaga sa kapaligiran habang ipagdiriwang ang Philippine Arbor Day. Ang tema ng Kick-off event para sa taong ito ay ‚ÄúPunong Puno ng Pag-asa‚ÄĚ.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporation (GOCC), private sector at paaralan.

Kabilang dito ang National Water Resources Board (NWRB), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Quezon City LGU, ABS-CBN Foundation, Quezon City Science High School at Brent International School.

Ang kanilang pakikilahok ay nagpapahiwatig ng kanilang suporta, pakikipagtulungan at pangako sa isang malakas na partnership at commitment na manatiling maging champion sustainability.

Ipinaliwanag ni Jocot de Dios, President at CEO ng Manila Water na ang pagdiriwang na ito ay bahagi ng patuloy na pangako ng kompanya sa Economic, Environmental, Social and Governance (EESG) initiatives.

Idinagdag din ni De Dios na napakahalaga ang naisagawang aktibidad, ang pagsusulong ng mas matibay na stakeholder partnership, gayundin ang pagkilala sa pangangailangan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner, local government units at national government agencies sa ‚Äúrehabilitation at regreening ng kapaligiran upang maisulong ang mas malusog na ekosistema para sa mga tao.

Nagtanim ang mga kalahok ng 400 bagong seedlings sa lugar na nakapalibot sa La Mesa Reservoir na nagsusuplay ng treated water sa maraming lugar sa east zone ng Metro Manila.

Tinapos ito ng lecture sa vermicomposting at Luntian Talks, na tumatalakay sa maraming mahahalagang punto tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran, pagtatanim ng puno, at mga benepisyo nito sa mga watershed.