PUP, nanguna sa special architecture exam

PUP, nanguna sa special architecture exam

October 10, 2018 @ 7:52 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nanguna ang isang Pinoy at Iska sa mga nakapasa sa  special architect licensure examination na isinagawa nito lamang Agosto.

Ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) kahapon, sa 326 na kumuha ng naturang exam, 228 lamang ang nakapasa kung saan itinanghal si Rigina Jeanne Celestino Young mula sa Polytechnic University of the Philippines-Main Sta. Mesa bilang top notcher sa special architect licensure examination.

Sa rating na 85.40 percent, nanguna si Young sa mga kumuha ng exam na ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates; Al-Khobar, Jeddah at Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia; Bahrain; Qatar; Kuwait; Oman, at Singapore./Remate News Team