Purok sa Kalibo, Aklan isinailalim sa SECQ

Purok sa Kalibo, Aklan isinailalim sa SECQ

November 21, 2020 @ 3:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Kalibo, Aklan – Ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Kalibo ang 14 araw na surgical enhanced community quarantine o SECQ  sa buong Purok 1 sa C. Laserna Street sa Poblacion na nagsimula kahapon, November 20 na magwawakas sa Disyembre 4.

Base sa tala ng Provincial Epidemiology Service Unit ng Provincial Health Office o PHO 16, may pitong bagong kaso ng COVID-19 sa lugar na close contact umano ng isang COVID-19 patient na namatay noong Nobyembre 17.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng nasabing purok.

Samantala, iginiit ng PHO na umabot na sa 215 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa buong Aklan kung saan 33 ang aktibo at siyam ang nasawi. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...