Kabogera talaga itong si Coby, dahil tatlong taon pa lang siya sa Instagram ay humihilera na siya sa mga top celebrity na may pinakamaraming followers sa Instagram.
Sa kanyang account na @cobythecat na ginawa noong June 15 ng amo nitong si Rebecca Schefkind, makikita ditto ang ilang mga picture ng ‘wow-sa-ganda’ na pusang ito na may pinong puting balahibo at blue na mata.
Sa unang ilang mga buwan pa lang ay umabot na sa 150,000 ang followers nito at agad siyang minahal ng mga netizen.
Bukod sapumalo na sa 1.2 million ang kanyang followers, kaliwa’t kanan na rin ang mga advertisement nito at mga promotion sa kanyang social media account.
Dahil dito, kinikilala na ito na pinaka-successful na pusa sa buong mundo at pinakamaganda rin.
Ilan pa sa mga fans nito ang nagsasabing hindi sila napapagod titigan ang pusa dahil sa sobrang ganda nito.
Sa ngayon ay 3 years old pa lang si Coby at gaya ng ibang mga pusa ay enjoy lang ito sa mga CATivities nito. (Remate News Team)