Pusher, 1 pa arestado sa P415K shabu

Pusher, 1 pa arestado sa P415K shabu

April 21, 2022 @ 3:57 PM 2 months ago


CABANATUAN CITY, Nueva Ecija- Timbog ang isang umano’y notoryus na ‘tulak’ ng droga at kanyang kasabwat makaraang mahulihan ng mahigit sa P400K na halaga ng umano’y shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 7, Barangay Sangitan West, dito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng pulisya rito, ang dalawang naarestong suspek na sina Maria Sanning Santos, 53, isang lalaki, at kanyang kasabwat na babae na si Jenny Rose Balacano, 30, may-asawa, kapwa ‘jobless’ ng Purok San Antonio, Barangay Casile sa bayan ng Llanera, NE.

Nahuli ang dalawang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya rito sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 (PDEA-RO3), dakong alas-5:10 ng umaga noong Miyerkules.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 16 na plastic sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng 61 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P414,800.

Nakatakdang sampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa sections 5 and 11, article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ver Sta. Ana