Pusher nanlaban sa parak, todas

Pusher nanlaban sa parak, todas

August 2, 2018 @ 1:38 PM 5 years ago


 

Cavite – Nagwakas na rin ang iligal na operasyon ng isang hinihinalang tulak ng droga nang mapatay ito sa engkuwentro makaraang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Mendez PNP kaninang madaling araw (Aug. 2, 2018) sa Barangay Bucal, bayan ng Mendez.

Dead on the spot ang suspek na nakilalang si Erickson Sarmiento y Rozul sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ilang parte ng katawan.

Base sa inisyal na report ni P/SSupt. William Segun, Provincial Director ng Cavite PNP, dakong ala-una ng madaling araw kanina nang magsagawa ng buy bust operation ang mga miyembro ng Mendez Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/SInsp. Rommel C. Dimaala, Mendez COP sa nasabing lugar.

Napag-alaman na, nanlaban umano ang suspek kaya napilitan itong gantihan ng putok ng mga awtoridad na humantong sa pagkasawi ng suspek.

Samantala, nagsagawa na ng pagsisiyasat ang mga miyembro ng SOCO sa pinangyarihan ng engkuwentro. (Ellen Apostol)