Pusher tiklo sa Pasay drug ops

Pusher tiklo sa Pasay drug ops

January 9, 2023 @ 4:09 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang drug pusher matapos mahulihan ito ng baril at marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay City police.

Kinilala ni Pasay City Police chief Col. Byron Tabernilla ang inatstong suspect na si Jhonel Dave y De Asis, a.k.a. Onyok, 22, residente ng 2298 Tramo St., Brgy. 64 Zone 8, Pasay City.

Ayon sa report na isinumite kay Tabernilla, matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation ng DEU laban sa suspect dakong alas 5:05 ng hapon sa No. 2298 Tramo Street, Barangay 64, Zone 8, Pasay City.

Napag-alaman ng mga awtoridad mula sa isang imformant na talamak ang bentahan ng marijuana sa nasabing lugar at kalimitan sa mga parokyano nito ay mga kabataan.

Makaraang matanggap ang impormasyon ng iligal na aktibidad ng suspect ay agad na nagkasa ng operasyon ang DEU sa tulong ng informant at isang asset na nagpanggap na bibili mula sa suspek.

Nakuha mula sa suspek ang 23 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,760 at isang baril na caliber .38 revolver.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal possession of illegal drugs at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms Ang suspect na kasalukuyan nakapiit sa SDEU custodial facility.

Sinabi ni Tabernilla na ipagpapatuloy ng Pasay City police ang pagtugis sa iba pang nagbebenta ng ilegal na droga upang maisalba ang mga kabataang nasisira ang buhay at nabibiktima sa paggamit ng ipinagbawal na gamot.

Hinihikayat din ni Tabernilla ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon sa mga kinauukulan patungkol sa mga paglipanag pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang lugar. James I. Catapusan