Puslit na gasolina naharang sa Batangas

Puslit na gasolina naharang sa Batangas

February 8, 2023 @ 9:08 AM 2 months ago


NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Batangas ang isang “unmarked fuel” oil tanker na isa sa mga palatandaan ng kawalan ng mga kinakailangang tungkulin at buwis sa gobyerno, nitong Martes.

Ayon sa BOC, madaling araw isinagawa ang operasyon makaraang makatanggap ang field office ng Port of Batangas impormasyon mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng ahensya hinggil sa posibleng pagkakaroon ng unmarked fuel sa oil tanker na may tatak na MT Harmony Star.

Sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG)-Substation Mabini, nahanap ng mga operatiba ng BOC ang subject vessel sa paligid ng Barangay Mainaga sa bayan ng Mabini, kung saan nakita nila ang dalawang nakaparadang trak na naglalagay ng gasolina sa isang sasakyang pandagat na may taas o hindi bababa sa 30 metro ang layo sa dalampasigan.

Agad na nagsagawa ng field testing ang mga opisyal ng customs sa mga trak at barko matapos ipakita sa kapitan ang kopya ng Mission Order (MO) na nilagdaan ni Batangas Port District Collector Ma. Rhea Gregorio sa araw ding iyon ginawa ang operasyon.

Habang ang isa sa mga trak ay nakumpirma na ang kawalan ng kinakailangang fuel marker, ang mga resulta sa iba pang mga sample na kinuha mula sa barko ay nakabinbin pa rin.

Ang kakulangan ng fuel marker level ay nagkumpirma na ang langis ay hindi dumaan sa tamang pamamaraan ng importasyon nito.

Dahil dito, pinuri ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang kanyang mga tauhan at ang koordinasyon sa PCG.

Kaugnay nito, sinabi ni CIIS Director Jeoffrey Tacio na patuloy ang kanilang pagbabantay laban sa mga sangkot sa mga ilegal na aktibidad na ito.

“The agency is no stranger to any attempts by big or small companies to bring in smuggled fuel into the country. Our campaign against the smuggling of fuel has been ongoing despite the spotlight being shown more on what we do regarding agricultural smuggling,” ani Tacio. Jay Reyes