Puslit na ‘langgam’ ‘di nakalusot sa Customs

Puslit na ‘langgam’ ‘di nakalusot sa Customs

February 15, 2022 @ 12:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippiens – Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 396 na mapanganib na “black ants” na itinago sa mga specimen tubes kung saan idineklara ang mga ito bilang mga “Lego Toys”.

Batay sa rekord ng BOC, naharang ang tatlong export parcel na idineklara bilang “Lego Kid’s Toy” na patungo sana sa France, Singapore at Italy na ipinadala ng isang “Shin Yap”. Ang mga subject parcel ay nadiskubreng naglalaman ng may dalawampu’t isang maliliit na tasa at dalawampu’t isang specimen tube na naglalaman ng sari-saring itim na langgam na nakatago sa isang Lego Box.

Samantala, dalawang kahina-hinalang kargamento mula sa Poland ay sumailalim sa inspeksyon kung saan nadiskubre ang nasa 375 specimen tubes na naglalaman ng mga itim na langgam.

“Like in other countries, the importation and exportation of non-native black ants are strictly prohibited in view of the danger it poses not only to human health but also environment,” saad ng BOC.

“Studies in China show that non-native black ants are carrier of virus, bacteria and diseases inimical to local ecology, including agriculture and forestry. However, despite common perils and hazards, Black Ants are also beautiful in appearance,” dagdag pa ng BOC.

Ang mga nasabat na itim na langgam ay agad na itinurn-over sa DENR at isinailalim sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 11 at 27 ng RA 9147 o mas kilala bilang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”, at Section 117 kaugnay ng Section 1113 ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). JAY Reyes