Amzon – Nadiskubre ng mga researcher ang isang Amazonian wasp o putakti na mayroong malahiganteng stinger na ginagamit pangtusok ng venom at itlog nito sa biktima.
Nakipagtulungan ang isang grupo mula sa University of Turku, Finland sa ibang researcher mula sa Colombia, Spain at Venezuela para magdiskubre ng iba’t ibang species ng wasp na hindi pa natutuklasan ng siyensya. Ang isa sa kanilang mga natuklasan ay pinangalanan nilang Clistopyga crassicaudata, ayon sa statement.
Hindi man bago sa mga scientist ang wasp na nagbibigay ng kanilang itlog sa mga gagamba, ayon sakanila, ngayon lamang sila nakakita ng wasp na mayroong napakalaki at dual-purpose na stinger.
Natuklasan ito sa western Amazonia. Ang parasitoid wasp ay gustong-guston maghanap ng mga gagamba sa sapot nito. Kapag nakakita na sila ng biktima, ang mga Clistopyga crassicaudata ay tutusukan nila ang gagamba ng venom hanggang sa ito ay ma-paralyze.
Habang paralisado ang gagamba, tutusukan naman nila ito ng itlog gamit ang napakalaking stinger.
Marami sa parasitoid wasps ay mayroong mahabang organ na tinatawag na “ovipositor” kung saan ito ay nakatutulong sa kanila na maglagay ng itlog sa kanilang mga biktima.
Kapag tumagal ang mga larvae ng wasp ay kakainin ang gagamba mula sa loob kasama na ang mga ilog nito o kahit anong makita nito sa sapot ng gagamba.
Ayon naman kay Ilari E. Sääksjärvi ng University of Turku, propesor sa biodiversity research, patuloy nilang pinag-aaralan kung anong gagamba ang mas gusto ng mga bagong tuklas na parasitoid wasp.
Dagdag pa niya, naniniwala siya na ang malaking stinger ng wasp ay mayroon pang ibang gamit maliban sa pangtusok ng venom at pagbigay nito ng itlog sa mga gagamba.
Ang pag-aaral na ito ay nakalathala sa journal na Zootaxa. (Remate News Team)