Putin at Xi dadalo sa G20 summit – Indonesia leader

Putin at Xi dadalo sa G20 summit – Indonesia leader

August 19, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dadalo sina Russian President Vladimir Putin at kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping sa gaganaping Group of 20 summit, ayon sa pinuno ng host nation na Indonesia nitong Biyernes.

Ang pagdalo ng dalawang pinuno ang magkakasa ng “showdown talks” kasama si US President Joe Biden sa panahong kaalitan ng Washington ang dalawang rival powers, partikular na sa krisis sa Ukraine at Taiwan.

Hindi pa malinaw kung pupunta sina Putin at Xi sa November talks sa Indonesian resort island na Bali.

Subalit ayon kay President Joko Widodo, parehong dadalo ang dalawang pinuno sa G20 summit.

“Xi Jinping will come. President Putin has also told me he will come,” pahayag ni Widodo, base sa ulat.

Inihayag ng Kremlin officials nitong Hunyo na tinanggap ni Putin ang imbitasyon ni Widodo sa summit.

Inimbitahan din ng Indonesia si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa summit.

Iginiit naman ng Ukrainian leader na hindi siya dadalo kahit pa virtual ito.

Ito naman ang isa sa bihirang pagkakataon na lalabas si Xi ng bansa mula nang magkaroon ng coronavirus pandemic. RNT/SA