Putin, “he’s not my enemy”- Trump

Putin, “he’s not my enemy”- Trump

July 13, 2018 @ 9:07 AM 4 years ago


 

United States – Hindi itinuturing na kalaban ni US President Donald Trump si Russian counterpart Vladimir Putin kundi isa lamang “competitor”, ani Trump kahapon (July 12) ilang araw bago magkita ang dalawang lider para sa high-stakes summit.

“Someone said ‘is he an enemy?’ No, he’s not my enemy. Is he your friend? No, I don’t know him well enough, but the couple of times I’ve gotten to meet him we got on very well.”

“But ultimately he’s a competitor. He’s representing Russia, I’m representing the United States,” pambawi naman ni Trump.

“Hopefully someday he’ll be a friend, I just don’t know.”

Samantala, ibinahagi naman ni Trump na tatalakayin niya sa magaganap na summit ang civil war sa Syria, hindi pagkakasundo sa Ukraine pati na ang mga alegasyon tungkol sa Russian meddling noong 2016 US election.

“I will be asking about meddling, your favorite question,” ani Trump sa press conference sa ginanap na NATO summit sa Brussels.

“All I can do is say ‘did you?’ and ‘don’t do it again’. He may deny,” sabi pa ni Trump.

Tinanong din ang president kung siya ba ay handa na para kilalanin ang Crimea bilang parte ng Russia matapos itong idugtong sa Ukraine ng Moscow noong 2014.

Ayon sa mga ulat at mga analyst, maaring gamitin ni Trump ang kasunduang ito sa teritoryo bilang kapalit ng kooperasyon ni Putin sa Syria.

“What will happen to Crimea from this point on? That I can’t tell you, but I’m not happy about Crimea.”

Isinisi ito ni US president kay former US president Barack Obama dahil hinayaan daw niya itong mangyari noong siya ay nasa kapangyarihan pa.

“That was on Barack Obama’s watch, that was not on Trump’s watch. Would I have allowed it to happen? No, I would not.” (Remate News Team)