Putin, sabik makita si Trump

Putin, sabik makita si Trump

July 28, 2018 @ 1:34 PM 5 years ago


Russia – Gusto ulit makipagkita ni Russian President Vladimir Putin kay US President Donald Trump.

Sa pahayag ni Putin sa summit sa Johannesburg, South Africa sinabi nito na willing siyang pumunta ng Washington at inaanyayahan na rin niyang bumisita si Trump sa Moscow.

“We are ready for such meetings, we are ready to invite President Trump to Moscow. He has this invitation already and I told him about it,” aniya.

Ayon naman kay White House press secretary Sarah Sanders, sinabi nitong bukas ang pangulo ng Estados Unidos sa imbitasyon kung makatatanggap sila ng pormal na invitation mula sa Russia, “President Trump looks forward to having President Putin to Washington after the first of the year, and he is open to visiting Moscow upon receiving a formal invitation.”

Sinabi pa ni Putin na nagagalak ito sa muling pagkikita nila ni Trump para sundan ang naunang summit nila sa Finland noong Hulyo 16.

Huling nagtungo sa Moscow si Trump noong 2013 matapos na doon ginanap ang Miss Universe.

Wala ring magiging problema sa kaniyang panig sakaling imbitahan din ito sa White House basta maayos ang schedule. (Remate News Team)