Puting sibuyas mabibili na sa P150/kg

Puting sibuyas mabibili na sa P150/kg

January 18, 2023 @ 9:58 AM 2 weeks ago


MANILA – Bumaba na ngayon sa PHP150 kada kilo ang presyo ng mga puting sibuyas sa Agribusiness Development Center (ADC)-Kadiwa site sa Quezon City.

Mas mababa ito ng PHP20 kaysa sa karaniwang presyo ng mga sibuyas na ibinebenta sa mga tindahan ng Kadiwa, dahil ang ibang mga site ay nananatili sa PHP170/kilo.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang supply ay nagmula sa Bonena Multipurpose Cooperative, na nagbigay ng humigit-kumulang 30 sako ng sibuyas.

Ang presyo ay naaayon sa inaasahang hanay ng presyo ng DA na PHP100/kilo hanggang PHP150/kilo kasunod ng pag-apruba ng pag-aangkat bago ang peak harvest season.

Samantala, nanatili sa PHP320 hanggang PHP450 ang umiiral na hanay ng presyo ng mga lokal na pulang sibuyas sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na ang kooperatiba ay nagpahayag ng pagkadismaya sa naunang inanunsyo na timing at dami ng importasyon.

“According to them, they are against doon sa importation because of the timing… sinasabi nilang marami nang pumapasok, even if hindi pa lusot ‘yung off-season harvest. Ang peak harvest ata is mid-February until April, pa-continue sa May,” aniya.

“Pero kung may pumapasok ngayon na sibuyas na from the farmers’ side from producers’ side, eh ‘di better,” he added.

Gayunman, muling iginiit ni Estoperez na magiging 5,775 metric tons na lamang ang imported volume ng sariwang dilaw at pulang sibuyas.

“Kasi ang darating na lang dun sa ating imported na inallow ay 5,000 metric tons lang. Hati din yan sa Luzon, Visayas, at Mindanao, kaya kakaunti lang naman ‘yun,” sinabi niya.

Sinabi ng DA na kapag dumating na sa bansa ang mga inangkat na sibuyas, inaasahang bababa ang isang kilo ng sibuyas sa PHP100 hanggang PHP150.