PUV fare discount itinutulak ng DOTr

PUV fare discount itinutulak ng DOTr

March 15, 2023 @ 10:42 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Transportation (DOTr) ang “fare discounts” sa mga pasahero ng public utility vehicles (Jeeps, buses, at UV Express) kapalit ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Ang inirekomendang fare discounts ay pareho sa pamasahe sa pre-pandemic at bago ipinatupad ang fare hike.

“Pre-pandemic fare matrix will be applied and the provisional fare increases implemented will be covered accordingly by the government,” sinabi ni DOTr secretary Jaime Bautista sa memorandum na isinumite sa Land Transportation Franchising at kay Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III.

Ang minimum fare para sa tradisyunal na jeepneys ay P9 mula sa kasalukuyang P12 habang sa modernong jeepneys ay mula P14 hanggang P11.

Aabot sa P4 ang posibleng discount fare para sa mga bus, habang pinag-aaralan pa nila ang discount fare para sa UV Express.

Ipapatupad ang bawas pamasahe sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa DOTr

Ikokonsidera naman ang mga ruta sa buong bansa na pinakamarami ang pasahero, dagdag pa ni DOTr undersecretary Mark Steven Pastor said.

Gayunman ang naturang diskwento ay pansamantala lamang at matitigil kapag naubos na ang P2 bilyong pondo para sa service contracting program ng LTFRB ngayong taon.

Itinutulak din ng DOTr ang libreng sakay sa holidays sa public transportation tulad ng mga train. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)