Online filing ng income tax returns ng OFWs, tiniyak ni Gatchalian

January 27, 2023 @5:07 PM
Views: 2
MANILA, Philippines – Itinutulak ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapalawak sa ibang bansa ng online filing ng tax returns o e-filing upang maging mas madali at maginhawa para sa overseas Filipino workers (OFWs) ang pagbabayad ng real estate tax, estate tax, at iba pa.
“Mapapadali sa electronic filing ang pagbabayad ng buwis ng hindi residente ng bansa o nagtatrabaho sa abroad,” sabi ni Gatchalian.
Ayon sa mambabatas, isasama ang naturang panukala sa Senate Bill 1346 o ang Ease of Paying Tax, na nagpapakilala ng administrative tax reforms sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng National Internal Revenue Code of 1997.
Sa kasalukuyan, mayroon nang ginagamit na Electronic Filing and Payment System o eFPS ang Bureau of Internal Revenue o BIR na siyang pangunahing ahensya sa pagkolekta ng kita ng gobyerno.
Pero ang naturang sistema ay hindi pa nagagamit ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa datos ng BIR, 43 porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga tax return ang inihain sa pamamagitan ng electronic o digital na paraan noong 2015, na tumaas noong 2020 hanggang 94 porsiyento sa kasagsagan ng pandemya.
“Para sa kapakanan ng ating mga taxpayers, kailangan nating gawing mas madali ang proseso ng pagpa-file at pagbabayad ng buwis dahil ito ang paraan para mapahusay ang pagkolekta ng buwis na kailangan ng bansa para mapalaki ang pondo ng gobyerno at suportahan ang mga programa nito,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee Ways and Means.
Bukod sa pagbibigay sa mga taxpayer ng opsyon na magbayad ng buwis o magfile ng kanilang returns sa pamamagitan ng electronic o digital na paraan, layon din ng panukalang batas na payagan ang pagbabayad ng mga buwis sa mga authorized agent bank (AAB) at hindi lamang limitado sa sinumang awtorisadong ahente ng bangko sa revenue district office kung saan nakarehistro ang taxpayer.
Sinabi ni Gatchalian na ang naturang panukala ay naglalayong gawing moderno ang pangangasiwa ng buwis gamit ang pinakabagong naaangkop na teknolohiya na naglalayong pag-ibayuhin ang pangongolekta ng buwis.
“Kung gusto nating maging mas mahusay ang ating tax collection, gawin nating mas madali ang proseso ng pagbabayad ng buwis para sa ating mga kababayan. Kailangan nating magkaroon ng maayos na sistema at mas maayos na pagtrato sa ating mga taxpayers para mapataas ang tax compliance,” giit ni Gatchalian. Ernie Reyes
Digitalisasyon sa proseso, transaksyon sa gobyerno epektibo vs smuggling – PBBM

January 27, 2023 @4:54 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalisasyon sa government transactions, partikular na sa Bureau of Customs (BOC), para masugpo ang malaganap na smuggling.
Sinabi ng Pangulo na mas maraming modernisadong data at transaksyon ang maaaring makatulong sa economic development ng bansa.
Sa isang panayam, tinuran ng Pangulo na sosolusyunan ng bansa ang mga usapin na may kinalaman sa malaganap at nagpapatuloy na smuggling kung saan lahat ng uri ng kalakal na ipinapasok sa bansa say idinadaan sa illegal na pamamaraan.
“It might be helpful to look into successful approaches being employed by several countries, and apply them to the Philippines,” ayon sa Pangulo.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na ang digitalisasyon sa BOC ay mahalagang bahagi nito.
Nanawagan din ang Pangulo ng matinding bureaucratic reforms para labanan ang smuggling, na aniya’y banta sa lokal na industriya at nakaaapekto sa tax collection ng gobyerno.
Isa sa mga rekomendasyon na nabanggit ay buksan ang BOC at Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang epektibong pagpapalitan ng impormasyon.
Ang DA at BOC ay mayroong data-sharing agreement (DSA) na naglalayong pabilisin ang palitan ng impormasyon sa traded agricultural products.
“The DSA, which is governed by the Philippines’ Data Privacy Act, is one of the pacts forged between the DA and BOC to ensure that local agri-fishery products remain competitive,” ayon sa ulat.
“Through the program, each agency can promptly share and act upon critical and intelligence information,” ayon pa rin sa ulat.
Tinuran ng Chief Executive na kinikilala ng gobyerno ang kahalagahan ng digitalisasyon bilang “key driver” para sa long-term development at para sa economic transformation ng post-pandemic global economy.
“Although structural changes in the bureaucracy is quite painful, they have to be carried out, and digitalization is going to play a large part in that process,” ayon sa Pangulo sa kamakailan lamang na dayalogo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
Naglagay din ang Pangulo ng ‘premium’ sa papel ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa digitalization efforts ng administrasyon.
Tiniyak naman ng Pangulo na ang administrasyon ay nakaayon sa layunin nito na mapalakas ang MSME na makibahagi sa digital economy. Kris Jose
Strategic planning vs HIV/AIDS sa bansa pinangunahan ng DOH

January 27, 2023 @4:41 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Pinangunahan ngayong araw, Enero 27 ni Department of Health officer-in-charge Secretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire ang Philippine National AIDS Council (PNAC) 2023-2028 Strategic Planning at pinangunahan ang pagbuo ng mga action plan sa pagtugon sa epidemya ng HIV/AIDS sa bansa.
Ang mga nabalangkas na istratehiya ay higit na naaayon sa naunang binuo na 7th AIDS Medium Term Plan (AMTP), na nagha-highlight sa limang estratehikong haligi ng master plan, katulad ng: Prevent, Treat, Protect, Strengthen, at Sustain.
Ibat-ibang development partners tulad ng World Health Organization, Joint United Nations Programme on HIV/AIDS, at AIDS Health Foundation, civil society organizations at stakeholders tulad ng AIDS Society of the Philippines, Positive Foundation Philippines Incorporated Pilipinas Shell Foundation, Inc., Action Health Initiative, Pinoy Plus Advocacy Pilipinas Inc., at Dangerous Drugs Board ang nagpakita ng kanilang suporta sa Konseho, at nangako na patuloy silang makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya na miyembro upang gawing mas madali ang access sa serbisyo ng HIV.
Dumalo rin sa PNAC si Undersecretary Maria Francia Laxamana na siyang head ng Special Concerns Team.
“We will continue to work to address and combat discrimination and stigma associated with HIV. Through this strategic planning, the actions to address the HIV crisis combined with factors that fuel the epidemic such as: social and gender inequalities, stigma and discrimination, structural barriers that prevent equitable access of affected populations to prevention, treatment, and care, and challenges placed on health, non-health and community systems, will be harmonized and concretized,” ani Laxamana.
“We can not do this alone. We need the help of all our partners and stakeholders on the ground. When we work together, our goal of ending the stigma and creating healthier communities will be ultimately achieved,” sabi naman ni OIC Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Emelyn, mag-init sa love scene, ‘nag-wet’ kay Seon!

January 27, 2023 @4:30 PM
Views: 12
Manila, Philippines – Mainit ang mga love scenes sa pelikulang Mang Kanor ng AQ Prime na pinagbibidahan ng seasoned actor na si Rez Cortez. Hindi lang wild ang mga eksenang kinunan ni direk Greg Colasito kundi mahahaba pa.
Nagkaroon ng red carpet private screening ang Mang Kanor sa Gateway Cinema at ang isa sa mga nakakuha ng atensyon ng media ay ang sexy newbie na si Emelyn Cruz, isang Playboy Philippines model. Isa sa mga supporting cast si Emelyn na nagpainit sa mediacon ng nasabing pelikula.
Paano ba naman, sa dami raw kasi ng mainit na eksena nila ng kanyang nakapartner na si Seon Quintos ay aminado siyang nag-wet. Meaning, na-apektuha sa lovescene si ate mong girl.
Bukod pa du’n ay may revelation pang natanggal ang pagkakadikit ng plaster kay Seon at si Emelyn naman daw at walang plaster. Hala!
Ang plaster kasi ay inilalagay sa mga private parts ng actors kapag may maiinit na love scenes upang maiwasan ang actual penetration.
“Oo, may pumitik na plaster kay Seon. Pero for me naman, It doesn’t matter kung naka-plaster ka o hindi sa isang elsena, you have to live the moment and let it all out.
“Pero sa totoo lang, hindi ko alam na ganu’n pala kahaba ang sex scenes. Parang lahat ng positions, e, nagawa namin ni Seon.
“Ang nangyari kasi, nu’ng may love scene kami sa wall, biglang may tumusok.
“Aminado naman ako, nadala ako sa eksena, nag-wet ako, human nature ‘yun when someone touches you and you’re naked. Of course you will get aroused.
“But at the end of the day, we think of it as a job,” mahabang explanation ni Emelyn.
FYI ay ang Mang Kanor ang unang pelikula ni Emelyn.
“Before, pa-extra-extra lang ako sa movies but when nag-sign na ako sa AQ Prime, na-challenge ako. I always wanted to act kasi,” sabi pa ni Emelyn.
Kasama rin sa Mang Kanor sina Nika Madrid, Joni McNab, Rob Sy at Rain Perez. Streaming na ang nasabing pelikula sa January 28, 2023 sa AQ Prime. JP Ignacio
Barkong pangisda ng China nagpasaklolo sa PCG

January 27, 2023 @4:28 PM
Views: 14