Puyat tiwala sa English schools recovery

Puyat tiwala sa English schools recovery

July 12, 2020 @ 3:30 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa recovery ng English schools sa bansa na makatutulong na muling maging Secondary Language (ESL) destination.

Sa Department of Tourism (DOT) webinar na pinamagatang “Philippine ESL Industry Situationer” inatasan ni Puyat ang mga paaralan na ipagpatuloy ang online ESL programs para mapanatili ang Pilipinas bilang leading ESL country.

Layunin ng ESL classes na mapaganda pa ang English language sa travel, business at social purposes.

“The students who have come here have returned to their home countries for now. While travel restrictions brought by the COVID-19 pandemic have affected the growth of the ESL industry, we know we can take back the gains we have achieved,” aniya.

Paliwanag pa ni Puyat, nakikipag-ugnayan na ang DOT sa mga pribadong sektor at iba pang stakeholders sa pagdebelop ng official guidelines sa health at safety protocols sa implementasyon ng ESL schools.

Batay pa sa DOT, ang ESL ay nasa ilalim ng Education Tourism. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...