PVL: PetroGazz Angels nagkarga ng lakas

PVL: PetroGazz Angels nagkarga ng lakas

January 13, 2021 @ 11:45 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng PetroGazz na pinapirma nila ang beteranang sina Remy Palma at Ces Molina bilang bahagi nang pagpapalakas ng koponan bago ganapin ang unang professional season ng Premier Volleyball League (PVL).

Matatandaang sina Palma at Molina ay dating naglalaro sa Petron, isa sa tatlong koponan na hindi muna lumahok sa Philippine SuperLiga (PSL) dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Dahil sa pagpirma ng dalawa, pumalo na ngayon sa 13 ang manlalaro ng PetroGazz.

Bukod kina Molina at Palma, idinagdag din ng Angels sina libero Kath Arado, middle blocker Ria Meneses at spiker Mean Mendrez noong isang Linggo.

Ang tatlong players ay galing naman sa Generika Ayala, isa pang team sa PSL na hindi muna lumahok sa liga dahil sa epekto sa negosyo ng pandemic.

Sinalubong din ng Angels ang pagpasok sa koponan ni coach Yani Fernandez.

Hindi pa naman inaanunsyo ng  PVL kung kailan nila bubuksan ang bagong season. Naging professional ang liga noong isang taon habang nasa gitna ng COVID-19 pandemic. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...