PWD inagawan, inumpog sa pader ng gwardyang snatcher

PWD inagawan, inumpog sa pader ng gwardyang snatcher

January 22, 2022 @ 2:59 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Isang sekyu ang nasakote matapos na agawan ng bag na may lamang cell phone ang isang kalugar na person with disability sa Valenzuela City.

Ibinalibag sa selda at nahaharap sa kasong robbery-snatching si Reynaldo Polidario Catada, 45, ng Road 3, Lingahan, Malanday, ng lungsod.

Alas-11 ng gabi noong Enero 19 ay nakatayo sa Road 3, Malanday ang biktimang si John Lei Espenida, 18, kalugar ng suspek.

Iniluwal ng dilim ang supsek at pwersahang tinangay ang bag ng biktima na may lamang cell phone na P 7,900 ang halaga.

Pumalag ang biktima ngunit nagapi siya ng suspek at inumpog sa pader saka tumalilis ngunit aga nakarating sa kaalaman ng mga awtoridad ang insidente.

Natiklo sa follow-up operation ang suspek matapos lamang ang kalahating oras at Nabawi ang kanyang mga kinulimbat. Merly Iral