PWD nahagip ng tren!

PWD nahagip ng tren!

March 14, 2023 @ 3:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Himalang nakaligtas ang isang 56 anyos na lalaki na person with disability (PWD) makaraang magtano lamang ng bali sa katawan nang mahagip ng tren ng Philippine National Railways(PNR) sa Arnaiz Ave. corner Osmeña Highway North Bound, Barangay Pio Del Pilar, Makati City nitong Lunes ng hapon.

Patawid umano ang biktima sa riles ng tren nang mahagip ng bagon sa kabila na nakababa na ang barrier boom.

Ayon sa rescuer ng Brgy.Pio Del Pilar na si Alvin Besa, hindi naman totally nasagasaan ang PWD at nagtamo lamang ng injury sa kaliwang kamay at iba pang galos.

Nilapatan din ng agarang lunas o first aid bago ito itinakbo sa malapit na ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden