PWD natusta sa sunog!

PWD natusta sa sunog!

January 16, 2023 @ 11:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang babaeng PWD nang magliyab ang mga bahay sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng BFP, na-trap sa sunog sa ang 30-anyos na biktima.

Dakong alas-2 ng madaling araw nang itaas ang unang alarma bago naapula pagsapit ng alas-3 ng umaga.

Aabot sa 40 pamilya ang nawalan ng bahay sa insidente habang inaalam pa ang naging sanhi at pinsala sa mga ari-arian.

Patuloy ding inaalam ang pagkakilanlan ng babaeng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden