Pwersa ng Abu Sayyaf kaonti na lang-Abalos

Pwersa ng Abu Sayyaf kaonti na lang-Abalos

August 5, 2022 @ 6:44 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Biyernes na kakaunti lang ang mga miyembro ng Abu Sayyaf group na natitira sa gitna ng anti-insurgency efforts ng gobyerno.

Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni Abalos na hindi niya maaaring ibunyag ang eksaktong bilang ng mga natitirang miyembro ng ASG.

“Ayoko muna sana sabihin rito pero I assure you konting-konti na lang,” anang kalihim.

Sinabi ni Abalos na nauna nang sumuko ang 100  miyembro ng Abu Sayyaf, kasama ang kanilang mga baril, ang sumuko sa gobyerno sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Abalos na humina na ang puwersa ng mga rebelde at inihahanda na ang mga lugar na dati nang apektado ng insurgency para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ang mga sumuko ay tatanggap ng P15,000 cash, livelihood, reintegration, medical, housing assistance at iba pa, dagdag niya. RNT