Pwersa ng rebelde nasa 2,000 na lang-militar

Pwersa ng rebelde nasa 2,000 na lang-militar

September 16, 2022 @ 8:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na hihigit sa 2,000 ang bilang ng natitirang rebelde sa Pilipinas.

“Based on our assessment, the manpower is no more than 2,000 insurgents and approximately the same number of firearms,” ani Vice Admiral Rommel Anthony Reyes, deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, sa naganap na budget presentation sa House of Representatives.

Bilang tugon sa pagtatanong ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma kung bakit nagpapatuloy ang problema sa insurhensya, sinabi ni Reyes na hindi sapat ang diskarte ng militar sa pakikipaglaban sa mga rebelde gamit ang mga armas, dahil ang mga indibidwal ay naengganyo na sumapi sa mga pwersang anti-gobyerno dahil sa malawakang sakit sa lipunan.

Sinabi ni Reyes na ang paglikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict noong 2019, na naglalayong tugunan ang mga ugat ng insurhensya, ay lubhang nakabawas ang puwersa ng mga rebelde.

Pagkatapos ay tinanong ni House Deputy Minority Leader France Castro si Reyes kung kinukunsinti niya na ang mga social injustice ay laganap pa rin at kailangan itong tugunan ng gobyerno.

“Hindi naman talaga totally mawawala ang social injustices, at dapat i-address ito ng gobyerno,” giit niya.

“Hindi po bawal ipaglaban ang social injustices, poverty, o kung ano mang kulang [sa lipunan]. Ang hindi po tayo pumapayag ay iyong they would use armed struggle to forward their means,” ayon pa sa military opisyal. RNT