Pwesto ng Pinas sa COVID recovery rankings ng Nikkei Asia umakyat

Pwesto ng Pinas sa COVID recovery rankings ng Nikkei Asia umakyat

December 6, 2021 @ 7:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Malaki ang iniangat ng Pilipinas mula sa ika-103 pwesto noong Oktubre na ngayon ay ika-57 na sa pinakabagong COVID-19 recovery ranking ng Nikkei Asia ng Tokyo.

Sa inilabas na ulat nitong Lunes na may petsang Nobyembre 30, umakyat ang Pilipinas ng 46 na pwesto kasama ang Tajikistan, Norway, at Malaysia sa ika-57 na pwesto.

Nitong Oktubre, nasa ika-103 pwesto ang bansa sa 120 rehiyon.

Nasa ika-121 pwesto ang bansa noong Setyembre, ika-106 noong Agosto, at ika-108 noong Hulyo.

Base sa Nikkei, ang pagtaas ng Pilipinas ay sanhi ng “significant increase in its infection management scores.”

Subalit sinabi ng Nikkei na kahit na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatili sa 9 porsyento ang fatality rate nito- ikalawa sa pinakamataas sa mundo batay sa Our World in Data.

Nanguna naman ang Bahrain sa November edition na may 73 puntos; sinundan ng Kuwait na may 72; United Arab Emirates na may 70.5; Malta at Taiwan na may 69; China na may 68.5 puntos; Chile, Japan, at Saudi Arabia na may 68 puntos; at Uruguay na may 66 puntos.

Nasa dulong pwesto naman ang Laos na may 22.5 puntos.

Batay ang datos ng Nikkei Asia sa Our World in Data; Google COVID-19 Community Mobility Reports; Oxford COVID-19 Government Response Tracker, Cirium, at Nikkei Asia Research. RNT/SA