QC bantay-sarado sa UK variant; pamilya ng lalaking nagpositibo, naka-isolate na

QC bantay-sarado sa UK variant; pamilya ng lalaking nagpositibo, naka-isolate na

January 13, 2021 @ 10:12 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY – Mahigpit ang isinasagawang koordinasyon ng lokal na gobyerno ng Quezon sa Department of Health ukol sa lalaking taga-QC na nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ngayong gabi lang nang ianunsyo ng DOH at Philippine Genome Center ang na-detect na bagong variant sa Pilipinas.

Natukoy ang B.1.1.7 SARS-CoV-2 variant o UK variant mula sa Pilipinong nanggaling ng United Arab Emirates na dumating sa Pilipinas nuong Enero 7 na lulan ng Emirates Flight No. EK 332.

Ang pasyente ay lalaki na residente ng Quezon City na umalis ng bansa patungong Dubai nuong Disyembre 27, 2020 dahil negosyo.

Kasama ng lalaki ang kanyang female partner sa biyahe ngunit nagnegatibo sa SARS-CoV-2 at isinasalang sa mahigpit ding quarantine at monitoring.

BASAHIN:

 

 

Agad nagsagawa ang City Epidemiology and Surveillance Unit sa Quezon City ng Contact tracing para sa mga nakasalamuha ng biktima.

Hinihintay din ng CESU ang listahan ng mga pasahero sa DOH para malamang kung may iba pang mga pasaherong taga-Quezon City.

Agad ding dinala ang mga kasamahan ng pasyente sa isolation facitily at sinusuri na ngayon.

“We have to remain cautious and  vigilant to avert the spread of this new variant. What is important is we take care of the resident, and make sure we don’t sow panic in the community,” ani Mayor Joy Belmonte.

Sinasabing mas mabilis na nakahahawa ang variant ng COVID-19 na unang kumalat sa United Kingdom. Wala pa namang ebidensyang nagsasabing mas mapanganib ito. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...