ADIK, SUNOG, BUMBERO AT SUPLAY NG TUBIG

March 24, 2023 @12:28 PM
Views: 75
NGAYONG tag-init na at pinag-uusapan ang suplay ng tubig na maaaring magiging problema kahit saan, may ilang mahahalagang usaping dapat na pag-usapan.
SUNOG NA GAWA NG ADIK
Meron ba kayong alam na may mga sunog na kagagawan ng adik?
Kung wala, ang ULTIMATUM meron.
Heto sila.
Isa ang nangyari sa isang bayan sa Pampanga.
Anak mayaman ang mama at pinagtripan ang panununog ng kanilang bahay.
Bago mag-pandemic, dalawang beses namang nagkasunog sa Tambunting, Sta. Cruz, Manila.
Naiwang kandila ng mga nagsa-shabu ang pinagmulan ng sunog.
Pareho ang mga sunog na ito na hindi idineklara ng mga nakaaalam sa pangyayari sa mga imbestigador na bumbero.
Apat na taon na ang nakararaan, itong si Jhayson Camposano na kilalang adik umano sa Brgy. Tejeros, Makati, ang inakusahang nanunog ng isang bahay na ikinadamay ng iba.
Nanunog din ng bahay ang nakilalang adik rin umano na si Ramcy bucad, 22, sa Brgy. San Antonio, Minalabac, Camarines Sur noong Pebrero 2013.
Pagdating ng Setyembre 2013, nanunog din ng bahay ang umano’y adik din na si Oliver Abagon ng Brgy. Tabuc, Mobo, Masbate.
Ngayong tag-init, anak ng pitong putakte, mayroon kayang mauulit na panununog ng bahay na gawa ng mga adik sa droga?
Bukod sa pagkasira ng mga ari-arian, nasasayang lang ang napakahalagang tubig na dapat sana para sa inumin, gamit sa mga ospital, iskul at boiler ng mga pabrika.
Nawawalan din ng patubig sa mga puno at halaman na kung mananatiling buhay, eh, panlaban sa polusyon at nawawalan din ng patubig ang mga sakahan para sa pagkain.
PINEPERA
Nauunawaan natin ang pagtulong ng mga bumbero na magkaroon ng suplay ng tubig ang mga matataas na gusali na residential, ospital, komersyal, mall at iba pa.
Malinaw na panlaban sa sunog ang mga ito sa pamamagitan ng mga sprinkler, bukod sa pang-inumin na rin sa maraming tao at iba pang mahahalagang dahilan.
Pero kung inuubos ng mga bumbero ang mga laman ng mga fire hydrant para kumita, ibang usapan na ito.
Libre na ang diesel mula sa gobyerno sa fire truck na pang-deliver, kikita pa sila sa tubig ng kung ilang libo kada karga ng fire truck.
Pinapalusot ang mga tubig para sa mga swimming pool, pabrika at iba pa na dapat ang mga may-ari ng mga ito ang gagastos sa paggawa ng paraan na sila’y magkatubig.
Halimbawa, kumonek sila nang tama sa mga konsesyonaryo ng tubig o local water district.
DAPAT MAGBANTAY
O malinaw, mga Bro, na nasasayang ang tubig o sinuswitik ang tubig sa maraming pagkakataon.
Dapat mabantayan at isumbong sa mga kinauukulan ang lahat ng mga gumagawa nito para matigil ang pagnanakaw at pagsasayang ng tubig.
ICC BINABALOT NG TAKOT SA MISSILE NI PUTIN

March 24, 2023 @12:25 PM
Views: 77
BINABALOT ngayon ng takot ang mga namumuno at empleyado ng International Criminal Court makaraang magbabala ang Russia na pasasabugin nito sa missile ang kanilang gusali na nakatayo sa The Hague, Netherlands.
Ginawa ang babala ni ex-Russian President Dmitry Medvedev makaraang maglabas ang ICC ng warrant of arrest laban kina Russia President Vladimit Putin at Maria Lvova-Belova, Russia presidential commissioner for children’s rights.
Sabi ni Medyedev, posibleng pasabugin ang hukuman ng ICC sa The Hague sa pamamagitan ng hypersonic missile na pakakawalan ng barko mula sa North Sea na sakop ng Russia.
“Lahat ng tao nasa ilalim ng Diyos at mga rocket. Dapat nakatuon ang mga mata nila sa kalangitan,” payo ni Medyedev, partikular sa mga hukom at tagausig ng ICC.
Naghayag naman ng sama ng loob ang Assembly of States Parties at sinabing ginagampanan lang naman ng ICC ang tungkulin nitong usigin ang mga lumalabag umano sa pangkalahatang pandaigdigang batas.
Nauna rito, nagsampa si ICC Prosecutor Karim Khan ng kasong kriminal kina Putin at Lvova-Belova sa ICC, sa sumbong ng Ukraine na iligal umanong dineport ang nasa 16,000 batang Ukrainian sa Russia simula noong atakehin ng huli ang Ukraine noong Pebrero 2022.
Dito na naglabas ang ICC ng warrant of arrest laban sa dalawang lider ng Russia at sinasabi ng Assembly of States Parties na kumakatawan ng 123 bansang miyembro ng ICC na pwedeng arestuhin ang dalawa sa teritoryo ng nasabing mga bansa.
Makaraang lumabas ang warrant, nagsagawa rin agad ang Russia ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban kina Khan at mga Huwes ng ICC kasabay ng pag-alam kung sino-sinong mga Huwes na sangkot dito, bagay na ikinabahala ng mga taga-ICC.
Pareho ang Russia at Ukraine na hindi miyembro ng ICC kaya naman sinasabi ng una na hindi sila sakop at hindi pupwedeng pakialaman ng nasabing korte.
Sey n’yo, Solicitor General Menardo Guevarra at Justice Secretary Boying Rermulla?
INIIPIT NG KONGRESO SI TEVES

March 24, 2023 @12:23 PM
Views: 75
NASA ibang bansa pa rin si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. para sa naka-schedule niyang isang medical procedure.
Naihayag ng mambabatas na nakapagtataka na hindi siya pinayagan ng House Ethics Committee na magsalita via Zoom kahit puwede naman ito as per rules na rin at nagawa na naman ito dati dahil sa pandemic. Kinukwestyon ng komite ang kanyang pag-absent.
Medyo katawa-tawa lang ang pagbato ng absenteeism kay Teves, lalo’t isa siya sa iilan lamang na pumapasok araw-araw sa Batasan kahit noong kasagsagan ng pandemya. Naghamon siya na ilabas ang listahan ng attendance ng mga miyembro ng Kongreso para makita kung sino-sino talaga ang hindi pumapasok.
Humingi si Teves ng extension sa kanyang travel pero hindi pinayagan. Leave na ang kanyang hiling pero hindi pa rin pinayagan.
Nabanggit ni Teves na gusto na niyang umuwi pero may matinding banta sa kanyang buhay. Sino nga naman ang uuwi sa ganitong mga pagkakataon?
May binanggit ang mambabatas na mga anggulo kung bakit siya ang idinidiin sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Nabanggit niya ang anggulo na awayang negosyo na posibleng sanhi ng malagim na insidente.
Tila bilang patunay sa anggulong awayang negosyo, dali-daling sinuspinde ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang Small Town Lottery franchises ni Teves kahit hindi pa napapatunayang guilty ang mambabatas at wala naman itong koneksyon sa pag-usad ng kaso.
Isa pang anggulo ay ang pasabog ni Teves na noong Enero pa lang ay sinabi na niya na itutumba siya. Talaga raw may operation laban sa kanya. Matapos ang pahayag na ito ni Teves noong panahon na iyon ay kahina-hinala na na-revoke ang lisensiya ng kanyang mga baril at tinanggalan pa siya ng bodyguard.
Ngayon ay nagkapatong-patong bigla ang pagdiin kay Teves sa insidente kay Degamo. Kung susuriing mabuti, may mga kuwestiyonableng lapses sa security noong araw ng pamamaslang. Parang bulang nawala ang security detail ng gobernador noong nangyari ang insidente.
Matapos ang pamamaslang ay ni-raid ang compound ni Teves. Naniniwala ang kampo niya na maaaring “nakapagtanim ng mga ebidensiya” ang mga nang-raid at naglagay pa ng mga witness kuno para madiin siya.
Base na rin sa inilabas na CCTV footage na ipinamahagi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, kahina-hinala ang galaw ng mga operatiba.
Tila tuloy may katotohanan ang pahayag ni Teves na target na siya bago pa mangyari ang pagpaslang kay Degamo.
Nananawagan na rin si Teves kay Pangulong Bongbong Marcos na tulungan siya. Naniniwala siya na ginagamit ng ilan ang pangalan ni PBBM sa pagdiin sa kanya para lang makakuha ng political mileage. May mga nagbabalak na sigurong tumakbong senador.
Malungkot ang mga pangyayari sa Negros Oriental. Pero mas nakalulungkot ang pagbuhol-buhol sa mga istorya at ang kuwestyonableng galaw ng ating mga opisyal.
WALANG TIGIL NA PAKIKIALAM

March 24, 2023 @12:19 PM
Views: 72
MAAARING ‘nai-freezer’ ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict sa ngayon. Pero ang mga natitira at laging nandiyan para ipaglaban ang bayan sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay naririto pa rin.
Mangyari kasi, mga kababayan ko, ang mga komunistang-teroristang ito ay umi-epal na naman. Lahat na lamang ay pinakikialaman para sila ay mapag-usapan at magsabing sila ang tama.
Gaya na lamang nitong insidente na naman ng hazing kung saan isa na namang kabataan ang napatay dahil sa panggugulpi ng mga kasama sa kapatiran.
Umentra dito ang komunistang-teroristang partylist na Alliance of Concern Teachers o ACT. Sabi ng representate nito, dapat daw ay ibasura na ang muling pagsasabatas ng Reserve Officer’s Training Course o’ ROTC.
Mga teacher pa namang naturingan ang inirerepresenta ng partylist na ito pero hindi nag-iisip basta na lang pasok nang pasok para magpabida lang.
Loko, nasopla tuloy sila ng chairman ng National Youth Commission, kung saan tinanong nito, kung ano ang koneksiyon ng ROTC sa mga fraternity. Hindi nga ba, ang intensiyon ng ROTC ay sanayin ang ating mga kabataan partikular na ang mga kalalakihan sa mga kolehiyo at unibersidad na maging disiplinado gaya ng mga unipormado nating mga alagad ng batas at kawal.
Inihahanda rin ng ROTC ang kabataan nating kalalakihan na maging tropa ng pamahalaan. Mapasabak man tayo sa digmaan o’ panahon ng kalamidad.
Ano nga naman ang kaugnayan nito sa fraternity na taon-taon ay may napapaslang dahil sa initiation rites nilang tinatawag na wala naman talagang saysay.
oOo oOo oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
WATER SAVING HANDWASHING DEVICE

March 23, 2023 @7:14 AM
Views: 46