QC, Mandaluyong magpapatupad ng mas mahigpit na lockdown

QC, Mandaluyong magpapatupad ng mas mahigpit na lockdown

March 15, 2021 @ 10:44 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagpatupad ng mas mahigpit na lockdown ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at Mandaluyong City dahil sa naiulat na kumpol-kumpol na kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa Quezon City, 23 lugar ang nasa lockdown, ito ang:

  1. De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin – simula March 1

  2. 46 and 50 K-9th Street, Barangay West Kamias – simula March 3

  3. 49 & 51 E Rodriguez Sr. Ave., Barangay Doña Josefa – simula March 4

  4. Paul Street and Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth – simula March 4

  5. 237 Apo Street, Barangay Maharlika – simula March 4

  6. 64 14th Avenue, Barangay Socorro – simula March 6

  7. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon – simula March 7

  8. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato – simula March 8

  9. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias – simula March 8

  10. Portion of Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia – simula March 9

  11. 138 -178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central – simula March 10

  12. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas – simula March 10

  13. Portion of Ramos Compound, Barangay Unang Sigaw – simula March 10

  14. 86 C. Benitez Street, Barangay San Martin de Porres – simula March 10

  15. 27 Mabituan Street, Barangay Masambong – simula March 11

  16. 77 to Block 2 Lot 7 Orchids Street, Freedom Park 3, Barangay Batasan Hills – simula March 11

  17. Christ the King Mission Seminary, No. 101 E. Rodriguez Sr. Ave., Barangay Kristong Hari – simula March 12

  18. 20 and 22 Antique Street, Barangay Ramon Magsaysay – simula March 12

  19. 43-N Langka Street, Barangay Balingasa – simula March 12

  20. 82 Mabituan St., Barangay Masambong – simula March 12

  21. PhilQ Manpower Services, No. 16 Tulip St., Barangay Roxas – simula March 12

  22. 41 Mendoza St., Barangay Paltok – simula March 13

Sa Mandaluyong City naman tatlong lugar ang naka-lockdown, ito ang Zones 4, 5 at 9 ng Block 41 sa Barangay Addition Hills.

Epektibo ang lockdown hanggang Marso 18.

Higit 500 pamilya ang naninirahan sa mga nabanggit na lugar kung saan anim ang tinamaan ang sakit.

Nagpatupad din ng liquor ban sa lungsod at pagpasok ng hindi otorisadong sasakyan.

Tanging essential workers lamang ang pahihintulutang lumabas ng bahay. RNT/ELM