QC MAYOR PINURI ANG MGA NEGOSYANTENG NAGBIBIGAY NG DISKUWENTO SA MGA NAGPAPABAKUNA



QC MAYOR PINURI ANG MGA NEGOSYANTENG NAGBIBIGAY NG DISKUWENTO SA MGA NAGPAPABAKUNA

June 9, 2021 @ 2:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PINURI at pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang business establishments sa lungsod na nagbibigay ng diskuwento at insentibo sa mga residente ng lungsod na nakapagpabakuna na.

Ito aniya ay malaking tulong sa vaccination drive ng lungsod na tinatawag na “QC Protektodo.”

Humanga ang alkalde sa mga may-ari ng mga negosyong ito dahil sa gitna ng pandemya na nakaaapekto sa mga negosyo ay nakapag-aabot pa rin ang mga ito ng tulong sa pamamagitan ng “Ingat-Angat Bakuna” Benefits Program kung saan 150 restaurants ang nagbibigay ng discount sa mga nakakumpleto na ng bakuna.

Ang QC ay nakapagbakuna na ng 333,773 indibidwal na kabilang sa A1 to A3 priority group o katumbas ng 19.63% ng target na 1.7 million population na mabakunahan para magkaroon ng herd immunity sa lungsod.

-ooOoo-

DALAWANG ALUMNI NG PLM, PINARANGALAN NG “ORDER OF LAPU-LAPU”

Dahil sa kabayanihang ipinamalas nina Dr. Rodney Dofitas at nurse na si Kathrina Bianca Macababbad, na mga nagsipagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, sa sunog na nangyari sa Philippine General Hospital noong May 15, 2021, pinagkalooban sila kasama ng walo pang iba ng “Order of Lapu-Lapu” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malacañang Palace nitong June 2, 2021.

Ang Order of Lapu-Lapu ay isang national order of merit na ipinagkakaloob ng Pangulo ng bansa sa mga indibidwal na nagpamalas ng “invaluable and extraordinary service.”

Ang mga pinarangalang PGH personnel ay siyang dahilan kung bakit walang nasaktan at ligtas na nailabas sa nasusunog na emergency room ng pagamutan ang mga batang nasa neonatal intensive care unit at iba pang mga pasyente na hindi na inalintana ang banta ng COVID-19 pandemic.

Si Dr. Dofitas na siyang chief ng PGH Division of Surgical Oncology ay produkto ng PLM Master in Business Administration – Top Executive Program habang si Macababbad ay nagtapos sa College of Nursing ng nasabing pamantasan.


  •  
  •  
  •