QC, Pasig ininspeksyon ng OCD sa fault line

QC, Pasig ininspeksyon ng OCD sa fault line

February 22, 2023 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ininspeksyon ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga lugar sa Quezon City at Pasig na nasa fault line, bilang bahagi ng paghahanda ng ahensya sa lindol.

Pinangunahan nina OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, Pasig Mayor Victor Ma. Regis Sotto, Metro Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes, at mga representative ng OCD-National Capital Region (NCR); Philippine Institute of Volcanology and Seismology; departments of science and technology, interior, and social welfare; at local disaster risk reduction and management offices ang aktibidad na tinawag nilang “Walk the Fault” nitong Martes, Pebrero 21.

“The participants visited the Batasan-San Mateo Road in Quezon City, Canley Road in Pasig City and subdivisions affected situated in the two cities. They checked if the markers of the fault are present and visible, and if there are still properties or infrastructure directly affected by the fault,” saad sa pahayag ng OCD.

Ang “Walk the Fault” ay bahagi ng pagsasapinal ng Oplan Metro Yakal Plus, isang contingency plan ng Metro Manila at paghahanda nito para sa “The Big One” o worst-case scenario sa oras na yumanig ang magnitude 7.2 na lindol sa West Valley Fault.

Ang West Valley Fault ay isa sa dalawang major fault segments ng Valley Fault System na tumatawid mula Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa sa NCR.

Samantala, nauna nang inanunsyo ng OCD na isasagawa sa Marso 9 ang
unang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong ito. RNT/JGC