QC pinakamayamang lungsod sa dalawang sunod na taon – COA

QC pinakamayamang lungsod sa dalawang sunod na taon – COA

October 17, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinanghal na pinakamayamang lungsod sa bansa sa ikalawang sunod na taon ang Quezon City.

Ito ang sinabi ng Commission on Audit kung saan mayroong P451-bilyon halaga ng yaman nitong 2021 ang lungsod base sa kanilang Annual Financial Report on Local Governments.

Matatandaan noong 2020 ay nanguna rin ang Quezon City sa pagkakaroon ng P452-bilyon halaga ng assets.

Sa listahan, sinundan ito ng Makati City sa ikalawang pwesto na mayroong P238.5 bilyon mas mataas sa P238.4 bilyon halaga noong 2020.

Bago ang pandemya o 2019, Makati City ang may hawak ng unang pwesto.

Maliban sa dalawang lungsod, pasok din sa listahan ng richest cities sa 2021 ang

Manila sa P65 bilyon
Pasig sa P51 bilyon
Taguig sa P36 bilyon
Cebu sa P33.3 bilyon
Mandaue sa P33 bilyon
Mandaluyong sa P31 bilyon
Davao sa P26.56 bilyon.

Pagdating naman sa probinsya, nangunguna ang Cebu sa pagkakaroon ng P215-bilyon, sinundan ng Rizal sa P30.6 bilyon at Batangas sa P29.7 bilyon.

Ang detalyadong listahan ay makikita sa 215-pahinang ulat ng COA sakop ang financial statements mula sa 1,676 LGUs kasama ang 81 probinsya, 146 lungsod, 1,488 munisipalidad, 22,680 barangay at ang Bangsamoro Government. RNT/JGC