QC top online dating hotspot ng Tinder

QC top online dating hotspot ng Tinder

December 16, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinanghal ang Quezon City bilang top online dating hostpot sa bansa ngayong 2022 ng Tinder.

Sa inilabas na Year in Swipe, Quezon City ang target ng mga Pinoy users na makapaghanap ng makikilala sa pamamagitan ng Passport feature ng naturang application.

Pumangalawa ang Cebu City sa list of “Top 10 local cities to passport to in 2022” ng Tinder, sinundan ng Baguio, Davao, Dasmariñas in Cavite, Taguig, San Pedro sa Laguna, Iloilo, Bacolod, at Olongapo.

Sa pangkabuuan naman, itinuturing na most “passported” na destinasyon ang London, England na sinundan ng Los Angeles at New York City sa Estados Unidos, at Melbourne at Sydney ng Australia.

Nasa ikapito ng listahang ito ang Quezon City, sinundan ng Toronto, Canada; Seoul, South Korea; Chicago at San Diego sa US. RNT/JGC