QC umakyat na sa moderate risk sa COVID

QC umakyat na sa moderate risk sa COVID

August 8, 2022 @ 10:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Moderate risk na sa COVID-19 ang Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso oong nakaraang linggo, sinabi ng pamahalaan ng Quezon City.

Mula sa 221 na kaso, umakyat ang bilang ng mga nahawaang COVID-19 sa 245 na kaso, sinabi ng local government unit.

“Umakyat na rin sa ‘moderate’ risk ang level ng lungsod ayon sa DOH [Department of Health] at OCTA Research. Ibig sabihin, medyo mataas ang risk exposure sa COVID-19,” anang QC LGU.

Ang positivity rate, o ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri, ay umakyat din sa 15.2% mula 12.9% batay sa data mula sa independent group na OCTA Research mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1, idinagdag pa ng LGU.

Gayunpaman, ang reproduction number, na tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawaan ng isang kaso, ay bahagyang bumaba sa 1.29, sinabi nito.

Pinaalalahanan ng LGU ang mga residente na patuloy na sundin ang mga health at safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa 3Cs (confined, crowded, at close-contact settings), pagtiyak ng maayos na air ventilation, wastong paghuhugas ng kamay, at pagpapabakuna ng primary at booster shots. RNT