SB member na wanted sa estafa, nalambat!

August 8, 2022 @4:00 PM
Views:
2
ILAGAN CITY, ISABELA- Nalambat ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Isabela PFU ang isang Sangguniang Bayan Member na akusado sa kasong estafa sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.
Kinilala ni PMaj. Eric Constantino, Team Leader ng CIDG-Isabela PFU ang akusadong si Peter Jude Soriano y Barquilla, 45-anyos, may-asawa at Sangguniang Bayan member ng Roxas, Isabela na residente ng Brgy. Rizal (Pob), Roxas, Isabela.
Bilang pagtalima sa direktiba ni PCol. Reynante Panay, Regional Chief ng CIDG-RFU sa Oplan Pagtugis ay nahuli ang akusado sa pamunuan ni PMaj. Constantino.
Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa na may docketed under CC No. 40-14234 na inisyu ni Hon. Ariel M Palce, Presiding Judge, RTC, SJR, Branch 40, Cauayan City, Isabela dated July 1, 2022 ay may inirekomendang piyansa sa halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng ng CIDG-Isabela para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco
Department of Sports hiniling na itayo

August 8, 2022 @3:55 PM
Views:
4
MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si senior administration lawmaker sa House of Representatives para sa paglikha ng isang Department of Sports na tutugon sa iba’t ibang hamon at kakulangan sa sports programs at development sa bansa.
“Panahon na ngayon para sa gobyerno na unahin ang sports sa pambansang agenda, at isaalang-alang ang sports bilang mahalagang bahagi sa pagbuo ng bansa,” sabi ni Rep. Mikee Romero ng party-list 1Pacman, may-akda ng House Bill 335.
Ayon pa kay Romero, dapat pamunuan ng DOS ang pagpapatupad ng mga patakaran sa pagsulong at pagpapaunlad ng mga programa sa palakasan at kalusugan ng bansa at maging responsable sa pagpapahayag ng mga patakaran na makakatulong sa bansa na mapabuti ang pagganap nito sa pandaigdigang kompetisyon.
Inaatasan din itong maghanap ng mga solusyon sa mga problemang dumaranas ng mga palakasan sa Pilipinas kabilang ang kakulangan ng komprehensibong programa sa pambansang palakasan, ang pangangailangang pahusayin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor na kasangkot sa palakasan, hindi na ginagamit na mga pamamaraan ng pagsasanay, kakulangan ng moderno at mataas na kalidad na mga pasilidad sa pagsasanay, kagamitan. at mga lugar ng palakasan.JC
Kiefer pumirma ng bagong kontrata B League

August 8, 2022 @3:43 PM
Views:
6
MANILA, Philippines – Pormal nang pumirma ng kontrata si Kiefer Ravena sa Shiga Lakes upang maging opisyal ang kanyang pagbabalik sa koponan. .
Isiniwalat ng koponan na naformalize ang naturang pagpirma matapos ang isang tapong palalaro ni Kiefer sa Japan.
Hindi naman ibinunyag ang nilalaman ng kontrata, ngunit sinabi ng mga source na nag-alok ang panig ng Japan B.League ng tatlong taong deal na tinanggap ng dating Ateneo King Eagle.
Nagpahanga si Ravena sa kanyang unang season kasama si Shiga, na nag-average ng 13.2 puntos sa 35-percent shooting mula sa malalim, na may 5.9 assists, 2.5 rebounds, at 1.5 steals sa loob ng 27 minuto sa 56 na laro.
Mabilis siyang napalapit sa Lakes sa kabila ng pagtatapos ng 2021-22 season na may 14-43 win-loss record.
“I’m excited to be back and play for you guys once again! This will be a great season for us and I know the boosters will have fun supporting the team this year,” wika nito.
Ginugol ni Ravena ang mga nakaraang buwan sa paglalaro para sa Gilas Pilipinas, na nagsisilbing kapitan ng koponan sa 2022 Fiba Asia Cup kung saan nagtapos ang Pilipinas sa ika-siyam na puwesto.JC
Unang monkeypox case sa Pinas, nakarekober na – DOH

August 8, 2022 @3:36 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Gumaling na ang unang kaso ng monkeypox sa bansa at makalalabas na mula sa isolation, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.
Tapos na ang 21-day isolation ng 31-anyos na Pilipino, ayon pa sa DOH.
“The first monkeypox case in the Philippines has now finished [the] 21-day isolation period last August 5, 2022,” pahayag ng DOH. “The patient has recovered, and was cleared by their physician to be discharged from isolation.”
Subalit nakasailalim pa sa quarantine ang 10 close contacts ng monkeypox patient, base pa sa DOH.
Tiniyak naman ng health agency likewise sa publiko na wala pang natutukoy na panibagong kaso ng monkeypox.
Dumating sa Pilipinas nitong Hulyo 19 ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, mula sa mga bansang may naiulat na kaso ng sakit.
Ang Pilipinas ang ika-walong bansa sa World Health Organization’s Western Pacific Region – kasama ang Australia, Singapore, China, New Zealand, Japan, New Caledonia, Republic of Korea – na nasapul ng monkeypox. RNT/SA
COVID-19 wave posibleng umabot ‘gang ‘ber’ months – OCTA Research

August 8, 2022 @3:24 PM
Views:
17