QC ‘very low risk’ na sa COVID

QC ‘very low risk’ na sa COVID

March 18, 2022 @ 8:11 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naabot na ng Lungsod Quezon ang “very low risk” na klasipikasyon para sa COVID-19 transmission, ayon sa OCTA Research group, Huwebes.

Sa monitoring ng gruop, umaabot lang sa average na 25 kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw sa syudad mula Marso 10 hanggang 16, ani OCTA fellow Dr. Guido David sa isang tweet.

“This is equivalent to an ADAR (average daily attack rate) of just 0.79 per 100,000 people per day, putting Quezon City in the very low risk category,” sabi ni David.

Ang ADAR ay tumutukoy sa insidente na nagpapakita ng average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon sa bawat 100,000 tao.

Samantala, sinabi ni David na ang reproduction number sa Quezon City ay naging steady sa 0.23 habang ang isang linggong growth rate ay -22%.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawaan ng isang kaso.

“On average, the number of new cases in Quezon City has been around 16% of NCR (National Capital Region) numbers. This projects to a 7-day average of around 154 cases in the NCR,” aniya pa.

“This would mean that NCR remains at low risk although it should be very close to moving to very low risk once the ADAR decreases below 1 (the ADAR in the NCR is currently at 1.09),” dagdag pa ng eksperto. RNT