QCPD bantay-sarado na rin sa UK variant; Health protocol hihigpitan

QCPD bantay-sarado na rin sa UK variant; Health protocol hihigpitan

January 13, 2021 @ 10:33 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY – Maghihigpit ang Kapulisan sa lungsod ng ipinatutupad na health protocol kasunod ng pagpositibo ng isang residente sa UK variant ng COVID-19, ayon sa isang heneral.

“We are one with the QC LGU in enforcing Maximum Protocol Health Standrad (MPHS) para maiwasan pa natin ang paglaganap ng COVID-19, lalo na may naitalang bagong variant ng pandemyang ito,” ani QCPD Director PBRIG General Danilo Macerin.

Dahil dito inatasan ni Macerin ang lahat ng komander ng QCPD na mahigpit na ipatupad ang lahat ng regulasyon at ordinasa sa lungsod para mapigil ang pagkalat ng UK variant.

“I have ordered all station commanders of QCPD to strictly enforce all existing laws, regulations and ordinances in order to stop the spread of this pandemic” dagdag pa ng heneral.

BASAHIN:

Nitong gabi nang kumpirmahin ng Department of Health at Philippine Genome Center na naka-detect na sa Pilipinas ng bagong variant ng COVID-19 na naunang kumalat sa United Kingdom.

Sinasabing mas mabilis na nakahahawa ang variant ng COVID-19 na unang kumalat sa United Kingdom. Wala pa namang ebidensyang nagsasabing mas mapanganib ito. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...