QCPD director, ginawaran ng Congressional Award sa anti-illegal drugs ops

QCPD director, ginawaran ng Congressional Award sa anti-illegal drugs ops

April 26, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ginawaran ng Congressional Award para sa Outstanding Achievemens si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus Medina  kaugnay sa rin sa pinaigting nilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Mismong si Hon. Jorge Bustos, Vice Chairperson ng Committee on Public Order and Safety ang nagkaloob ng parangal kay Medina sa House of Representatives, Brgy. Batasan, Quezon City kamakalawa.

Sa kanyang mensahe, labis naman ang pasalamat ng heneral sa natanggap na parangal.

“With all the encouragement, support, and confidence the PNP leadership bestowed upon me as the former Director of the PNP Drug Enforcement Group, I am humbled and very honoured to accept the award you confer upon me this afternoon,” saad ni kay Medina.

“Ang parangal na ito ay naging possible dahil sa mga taong naging parte ng tagumpay na ito. Kung kaya’t lubos akong nagpapasalamat sa aking mga boss at senior officers na nagtiwala at humubog sa aking kakayahan, determinasyon at integridad upang sugpuin ang paglaganap ng pinagbabawal na droga sa ating komunidad. At sa aking mga kasamahan sa PNP-DEG, simula sa ating mga operatiba at kani-kanilang mga commanders sa patuloy na pagtugon sa aking mga direktiba noong kami ay magkakasama upang sugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa,” dagdag pa ng opisyal

Pinasalamatan rin niya ang kanyang mga kaibigan  sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at ang lahat ng mga tumulong na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

“The efforts and workforce of my unit made me to become worthy and suitable for this award,” ayon pa kay Medina..

Samantala, ginawaran rin ng kahalintulad na parangal si PLTCOL Glenn Gonzales, Station Commander ng Fairview Police Station (PS 5) at dating hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU).

“I thank everyone for being part of this humble journey and I hope the same from all, as I go forward in inspiring people to act against drug related activities,” pagtatapos pa ni Medina. Jan Sinocruz