Quarantine facilities para sa OFWs na pauwing Pinas, umaapaw na – OWWA

Quarantine facilities para sa OFWs na pauwing Pinas, umaapaw na – OWWA

December 15, 2021 @ 11:14 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Umaapaw na ang mga quarantine facilities na inilaan sa mga pauwing Overseas Filipino Workers sa Pilipinas, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Giit ng OWWA na nasa kritikal na lebel na ang mga quarantine facilities ng uuwing OFWs para sa pagdiriwang ng Pasok at Bagong Taon sa bansa.

Base sa datos, sinabi ng OWWA na 12,500 OFWs na ang nasa 200 quarantine facilities.

Nasa 50,000 hanggang 60,000 namana ang tinatayang uuwi pang OFWs bago matapos ang 2021.

Sinabi pa ng OWWA na sa CALABARZON ay ginagamit na rin ang mga five-star hotel bilang quarantine facility.

Kaya naman, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ihihirit niya sa pulong sa Inter-agency Task Force Against COVID-19 na paikliin muli ang quarantine days para sa mga kumpletong bakunado at may negatibong PCR test para masoulusyunan ang isyu. RNT