Quarantine facilities sapat para sa uuwing OFWs

Quarantine facilities sapat para sa uuwing OFWs

January 14, 2021 @ 3:19 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak na sapat pa ang mga quarantine facility para sa umuuwing overseas Filipino workers sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

“Sa ngayong ay kakayanin pa naman,” saad ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Mayroon aniyang 5,900 na OFWs mula sa 28 bansang may bagong variant ng COVID-19 ang ngayon ay nakasailalim sa 14-day mandatory quarantine.

 “Ang good news, simula ngayong araw nagsimula na ang inflow and outflow ng 14-day quarantine,” lahad ni Cacdac.

“Kaya ‘yung hindi [kasama sa] 28 countries labas-pasok po ‘yan, in 1 to 3 days nakukuha ang resulta nila salamat sa Coast Guard at Red Cross.”

“Nitong huling quarter ng 2020, dumarami ‘yung nagbabakasyon lamang which is a good sign po. Ibig sabihin, nagno-normalize na mga trabaho nila. Ang estima po r;yan, 50 percent ay nagbabakasyon na po lalo na nitong Kapaskuhan,” paliwanag pa ng opisyal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...