Quarantine facility sa Batangas binuksan

Quarantine facility sa Batangas binuksan

October 3, 2020 @ 8:54 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Binuksan  na ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang quarantine /isolation  facility para  sa COVID-19 patients sa Lipa Academy of Sports, Culture, and Arts (LASCA) sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, layon ng nasabing pagtatayo  ng establisimyento  para sa quarantine at isolation na mapabagal  o mahinto  ang pagkalat  ng virus.

Aniya ang mga nangangailangan ng atensyong medikal para hindi ma-overwhelmed ang mga hospital ay dito ilalagay at aalagaan sa binuksang quarantine/isolation facility.

Sinabi  pa ni Janairo na ang quarantine/isolation facility na ito ay mayroong 128 isolation rooms para sa mga pasyente  ng COVID-19.

Mas pabor ang probinsya sa quarantine facility kaysa isagawa ang home quarantine.

Ayon pa sa DOH-CALABARZON magpapatupad din  ng ordinansa  na itigil ang nasabing gawain o kasanayan at magbibigay ng mas maraming pasilidad na gagamitin para mahiwalay ang mga pasyente na positibo sa virus.

“This only proves that local governments in the province are one in keeping and protecting the health and welfare of the people,” dagdag  pa ni Janairo.

Sinabi pa  ni Janairo  na ang regional office kasama ang congressional representatives ng probinsya  ay nagsimula nang bumuo  ng health system ng Batangas upang mas mahusay na makapaglinmgkod  at makapagbigay  ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan  na talagang kinakailangan ng pamayanan.

“There will be improvements in various health facilities including relocation and expansion of the regional hospitals and establishment of a multi-specialty hospital with a heart, lung, kidney and cancer center that will cater to the various needs of the people.”

 “There is still no vaccine developed against the covid virus. Napakaimportante pa rin na mag-ingat para sa sarili. Face mask at social distancing pa rin ang kinakailangan upang hindi tayo tamaan ng sakit,” paliwanag ng opisyal.

Ginawang posible  ang LASCA Quarantine/Isolation Facility sa pamamagitan ng  local na pamahalaan ng   Lipa  City sa pangunguna ni Mayor Eric Africa, Congresswoman Vilma Santos-Recto, Senator Ralph Recto, at DPWH 4th District Engineering Office at  Jesus V. Del Rosario Foundation, Inc. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)