‘Quarantine-free travel’ sa Thailand ikakasa

‘Quarantine-free travel’ sa Thailand ikakasa

January 20, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Itutuloy ng Thailand ang programa nitong quarantine-free travel mula Pebrero 1, ayon sa mga opisyal nitong Huwebes, matapos itong suspendihin dahil sa mabilis kumalat na Omicron coronavirus disease (COVID-19) variant.

Dahil sa pandemya, naapektuhan ang tourism-dominated economy ng bansa, kung saan umunti ang mga bumibisita sa Thailand.

Maaari nang sumailalim ang fully vaccinated na mga biyahero sa “test and go” scheme sa kondisyong sumailalim sila sa COVID-19 tests on sa una at ika-limang araw ng pagdating nila sa bansa, ayon sa tagapagsalita ng COVID-19 taskforce ng Thailand na si Taweesin Visanuyothin.

Kinakailangan din umanong mag-isolate ng mga bisita sa isang hotel habang hinihintay ang resulta ng tests, kailangan din nilang mag-download ng tracking app upang masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin.

Upang muling makabangon mula sa pinakamalalang economic performance mula noong 1997 Asian financial crisis, inilunsad ng Thailand ang “test and go” scheme noong Nobyembre bilang alternatibo sa dalawang linggong hotel quarantine.

Subalit sinuspinde ang programa noong isang buwan dahil sa Omicron.

“In case there are more infections or the situation changes, there will be a re-assessment for inbound travelers and adjust toward the sandbox scheme,” ani Taweesin. RNT/SA