Quarantine, isolation period ng aviation personnel pinaiksi ng gov’t

Quarantine, isolation period ng aviation personnel pinaiksi ng gov’t

January 14, 2022 @ 6:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pinaiksi na ng gobyerno ang isolation at quarantine period para sa aviation personnel na nahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) at exposed sa COVID-19 case.

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ito umano ang nakasaad sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution 157 na nagsasabing ang aviation personnel na may mild case ng COVID-19 o asymptomatic ay required na mag- isolate ng limang araw, “provided” na sila ay fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.

Sa kabilang dako, ang aviation personnel na na-expose sa COVID-19 case subalit hindi nagpakita ng COVID-19 symptoms ay hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine, kailangan lamang na sila’y fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.

Gayundin, ang mga asymptomatic close contacts ng mga naka- recover mula sa COVID-19 sa loob ng nakalipas na 90 araw ay hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine.

Ang quarantine at isolation period para sa mga miyembro ng general population fully vaccinated laban sa COVID-19 at na- exposed sa COVID-19 case o infected ng COVID-19 range ay mula pito hanggang 10 araw.

Gayundin, sinabi ni Nograles na ang Transportation Department at attached agencies nito ay ia-identify ang nararapat na accountable group na gagawa ng desisyon ukol sa pagpapaiksi ng isolation o quarantine base sa ebidensiya, kahalintulad sa Hospital Infection Prevention and Control body.

“Such a body deliberates, monitors, and acts on all infection-related concerns involving infectious disease specialists, safety officers, and the management of a health facility,” ani Nograles.

Gayundin, ni-require naman ng IATF ang lahat ng aircraft na maging ” ppropriately ventilated” at ang aviation staff na magsuot nang tama at akmang personal protective equipment sa lahat ng pagkakataon.

“DOTr will monitor and evaluate the implementation of the [protocols for the] aviation industry, and copy-furnish reports to the DOH Epidemiology Bureau for assessment of COVID-19 cases, clusters, vaccination status, and the like,” ang nakasaad sa IATF Resolution.

Panghuli, mananatili naman ang kapangyarihan ng IATF “to revoke/modify the privilege provided to the aviation industry for shortened quarantine and isolation.” Kris Jose