Quarantine ng fully vaxxed visitors mula sa ‘low risk’ countries aalisin na ng Thailand sa Nobyembre

Quarantine ng fully vaxxed visitors mula sa ‘low risk’ countries aalisin na ng Thailand sa Nobyembre

October 13, 2021 @ 12:26 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

BANGKOK, Thailand – Planong alisin na Thailand ang mandatory quarantine ng mga fully vaccinated visitors na magmumula sa ‘low risk’ countries sa Nobyembre.

“I have instructed the Center for COVID-19 Situation Administration (CCSA) and the Ministry of Public Health to urgently consider within this week to allow, as of November 1, international visitors to enter Thailand without any requirement for quarantine if they are fully vaccinated and arrive by air from low-risk countries,” pahayag ni Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha nitong Martes, Oktubre 12.

Kabilang sa tinukoy na mga bansa na makakasama dito ay ang Britain, Singapore, Germany, China at United States.

Inaasahan naman na isasapinal ito ng CCSA bago matapos ang linggong ito.

Nilinaw naman ni Prayut na makakapasok pa rin naman ang iba pang biyahero mula sa mga bansa na wala sa listahan na ilalabas, ngunit kailangan pa rin na sumailalim sa quarantine.

Mula Disyembre 1 hanggang Enero 1, 2022 ay patuloy nilang dadagdagan ang listahan ng mga low-risk quarantine free countries.

Matatandaan na isa ang Thailand sa labis na napuruhan pagdating sa tourist arrivals dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic kung saan nitong 2020 ay bumagsak ito sa 6.7 milyon.

“We have been among the most successful countries in the world in saving lives. But it has come at very great sacrifices of lost livelihoods, lost savings and destroyed businesses,” ani Prayut. RNT


  •  
  •  
  •