Quarantine on arrival sa COVID, ititigil na ng China

Quarantine on arrival sa COVID, ititigil na ng China

December 27, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


BEIJING, China – Inanunsyo ng pamahalaan ng China nitong Lunes, Disyembre 26 na ititigil na nila ang umiiral na mandatory quarantine on arrival na nauna nang ipinatupad bilang pag-iingat sa COVID-19.

Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas ng matinding surge sa mga bagong kaso ng sakit ang China ngunit sa kabila nito ay nagpapatuloy naman ang pagluluwag at pag-aalis ng mga restriksyon laban dito.

Simula noong Marso 2020, lahat ng pasahero na dumarating sa China ay obligado na sumailalim sa mandatory centralised quarantine ngunit sa ilalim ng bagong kautusan na iiral sa Enero 8, hindi na ito kakailanganin.

“According to the national health quarantine law, infectious disease quarantine measures will no longer be taken against inbound travellers and goods,” ayon sa National Health Commission (NHC).

Nagalak naman ang mga mamamayan ng nasabing bansa sa bagong kautusan dahil makikita na muli nito ang mga kamag-anak na matagal nang hindi nakita dulot ng pandemya.

Sa kabila nito, inaasahan na umaabot na sa isang milyon ang nahawaan ng COVID-19 sa China, patunay ang kakulangan ng mga gamot at emergency medical facilities na nararanasan dito.

“At present, COVID-19 prevention and control in China are facing a new situation and new tasks,” ayon sa direktiba ni President Xi Jinping nitong Lunes.

“We should launch the patriotic health campaign in a more targeted way… fortify a community line of defence for epidemic prevention and control, and effectively protect people’s lives, safety and health,” dagdag pa niya. RNT/JGC