Quarantine passes gagamitin ulit sa MECQ areas — Año

Quarantine passes gagamitin ulit sa MECQ areas — Año

August 3, 2020 @ 12:29 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na muling gagamitin ang quarantine pass sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

“Under MECQ, kailangan natin ng quarantine pass. Pinagusapan na namin ng mga NCR mayors ‘yan,” lahad ni Año.

“We leave it to the LGU kung paano nila i-implement.”

Pinaalalahanan din nito ang publiko na dapat na importante lamang ang dahilan ng paglalakbay.

Asahan an rin aniya ang mga quarantine checkpoints.

“Ibabalik natin ‘yan, especially ‘yung sa mga borders ng outside ng MECQ areas…” giit pa ni Año. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...